Tuesday, February 26, 2008

Panimula

Ayan panibagong blog na naman. At hindi ako ngayon nag-iisa. Pederasyon ito ng mga kaibigan kong bagama't may katagalan ko na ring kilala, e, hindi ko pa nakikita. Si Aryz, nakilala ko sa paglalaro ng Ran Online, napakamahinahong tao. Iyon din siguro ang dahilan kung bakit nagkakasundo kami. Kalmado s'ya, at ako nama'y mahilig magfreak out. Opposites (buti na lang hindi nag-attract hahaha). Si Vanessa naman nakilala ko rin sa Ran. Boyfriend n'ya noon ang kaibigan ni Aryz na BatangueƱo din. Kolehiyala, pero malapit nang matapos sa kursong nursing. Kakampi ko sa panlalait ng mga taong kalait-lait. At 'pag may problema ako, gumagaan ang pakiramdam ko pagkatapos naming mag-usap; pagkatapos naming manlait ng mga taong gusto naming laitin.

Kanina ko pa ginawa ang blog na ito, at nag-confirm na si Aryz. Aba hindi nagpopost. Hinihintay pa talagang ako ang mauna. Eh kaysa mag-antayan kami, eto na't nauna na nga ako. With no topic in mind, basta blog lang ng blog.

E, ano nga ba ang purpose ng blog na ito? Wala lang. Gusto lang naming mang-aliw, aliwin kayo sa pamamagitan ng mga nilalaman ng aming isipan.

Sana nga maaliw kayo ^__^

1 comment:

Aryz said...

hehehe... naalala mo pa pala ang mga pangyayaring un.. sabagay dun kita nakilala sa online game na "RAN".. madami din kami nakilala dun... kung sinu sinu at kung anu anu.. hehehe

eka ask lang po ako.. ano po ba ang meaning ng "BLOG" sa tagalog.. ibahagi nmn natin sa mga taong di pa alam un... (kgya ko.. heheheh) oops.. biro lang po... hehehe....