Kasabihan ko na noon pang bago pa lang ako sa larangan ng pakikipagrelasyon: "May kapaguran ang puso, at higit ang timbang ng sakit kaysa pagmamahal." Ang paniniwala ko sa kasabihang ito ay nangangahulugan na:
1. Hindi ako martir. Once na mapagod ang puso ko, give up na ako. Pero depende 'yon sa intensidad ng kapaguran. Pag fling lang, konting pagod, ayaw ko na. 'Pag medyo mahal ko, pwede kong hayaan ang sarili kong mapagod ng kaunti. Pero 'pag mahal ko talaga, minsan hingal kabayo na ako bago ko pa mapansing ako'y pagod na.
2. Hindi ako bobong magtimbang. Kapag sakit na ang pinag-uusapan, syempre ramdam na ramdam ko yan. Sensitive ako, e. Ayaw ko na nagmumukha akong kawawa; ayaw ko no'ng feeling ko inaapi ako. Pampered ako ng pamilya ko tapos aapihin lang ako ng itinuturing kong mahal ko? Neknek n'ya.
3. Ayaw ko ng habol ng habol. Kung gusto nang tumakbo, aba, e, hayaan na lang. 'Wag nang habulin.
4. Mahal ko ang sarili ko. Gusto ko lagi akong nakakatulog ng mahimbing, 'yong walang isipin. At ang pinakamahirap isipin sa gabi habang mag-isa kang yakap-yakap ang unan ay iyong baka may ibang kasama ang mahal mo. Ayaw ko ng ganon. Kung hindi rin lang ako makakatulog, gusto ko iyon ay dahil nag-e-enjoy ako. Night-out, out-of-town, night swimming, at kung anu-ano pang pwedeng gawin na may hidden purpose na paghahanap ng prospective/better partner.
5. At kung hindi na rin lang ako masaya sa taong minamahal ko, 'pag napagod na ang puso, goodbye na dapat agad. 'Wag nang patagalin pa.
Ang totoong buhay ay hindi itinutulad sa soap opera na magtititigan muna bago magpaalaman. Sa totoong buhay walang titigan. Iyakan lang o kaya awayan. Tapos may final words na "I hate you!" sabay walk out. Usually gano'n, pero meron din namang may promise na magiging forever friends. Friends with benefits ang kinakalabasan. Sana nga gano'n na lang lagi, friends with benefits. Mahirap ang relasyon, nag-e-end. E, ang friendship, forever. Lalo na 'pag with benefits.
Wednesday, February 27, 2008
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
No comments:
Post a Comment