Thursday, February 28, 2008

Barya at Maskara

Sabi nga nila ang buhay ng tao ay parang barya, may dalawang mukha, ganun din ang maskara ng pelikula... Kagaya ng mga artista na kayang itago ang nararamdaman nila....

Pero ang sinusulat ko ay hindi tungkol dun hehehhehe... wala ba sense? hehehe...

Ang ibig ko sabhin, para sa akin, ang bawa't buhay ng isang tao ay may dalawang mukha, kasiyahan at kalungkutan...

Sari saring problema ang mararanasan ng bawa't tao... problema sa pamilya, problema sa puso, problema sa katawan, problema sa trabaho... pero ang lahat nang ito ay may katapat na kasiyahan...

Kasiyahan na hindi kayang bilihin ng salapi... (Kasiyahan ng maskara ay hndi pwedeng bilihin ng barya....) hehehe...

Kagaya ng nasabi ng aking kaibigan, ngitian mo lang ang problema at ito ay malulutas lang basta wag ka lang mawawalan ng pag-asa....

Subukan natin, kahit ikaw ay may problema subukan mo ngumiti at tumingin sa salamin...

Di mo mamalayan na matatawa ka kahit sandali lang... matatawa ka sa sarili mo...

No comments: