Thursday, February 28, 2008

Golden Rule

E, kasi naman dapat pag magmumuni-muni ka 'yong happy thoughts. Mahirap magmuni-muni na may pagka-futuristic ang tema. 'Yong tipong pa'no na 'pag wala na kayo or pa'no kung may iba na s'ya. Live one day at a time, at 'wag pangunahan ang mga pangyayari. E, ano naman kasing magagawa natin kung dumating 'yong oras na wala na nga talaga? Magmumukmok? Iiyak? Papangit ka lang. Dapat smile lang. Pagtingin mo sa salamin, gandahan mo smile mo. Mas okay 'yon kesa sumimangot. Kasi kung laging nakasimangot at nakakunot ang noo mo, baka nga iwanan ka ng girlfriend mo. Syempre hindi mo naman gugustuhin 'yon - iniwanan ka dahil laging nakakunot ang noo mo. Kaya dapat laging happy... para more energy.

At laging taandaan ang golden rule: SMILE!

No comments: