Friday, March 7, 2008

Katayan

Kahapon napanood ko sa cable 'yong Crazy/Beautiful ni Kirsten Dunst. Maganda 'yong kwento. Akala ko no'ng una puro pa-cute lang 'yong pelikula. Well, it is cute, but it doesn't end there. Teen angst ang drama. At ang pangit pala umiyak ni Kirsten Dunst. Naalala ko 'yong role nya sa Interview with a Vampire. Ang cute na bata n'ya do'n. Cute pa rin s'ya do'n kahit may pangil at nagagalit. Pero ngayon, ang pangit na n'yang umiyak. Parang pinipilit tumulo 'yong luha. Daig na daig ni Juday.

Masyado mahigpit ang tatay n'ya sa movie. Pinapalayo lahat ng nagiging boyfriend n'ya. Pero as expected 'yong ka-loveteam n'ya hindi lalayo. Tapos magkakaroon ng awakening 'yong tatay n'ya. And they will live happily ever after.

Siguro kung dito 'yon ginawa, baka si Bea Alonzo ang paganapin sa role na Nicole Oakley. Tapos My Marvel Taheebo 'yong sponsor. Pero dahil gusto ng ABS CBN na kumita ang pelikula, kakatayin ang script. Hahabaan 'yong scene sa beach. Tapos lalagyan ng ka-love triangle si Bea at John Lloyd. Malamang mag location shoot pa sa Hong Kong kasi mayaman si Bea. Tapos magra-ride si Bea at John Lloyd ng cable car habang kumakanta si Yeng Constantino sa background. Sa sobrang dami ng mga moments ng dalawa, mawawalan na ng oras para sa kwento ng pelikula. At sa sobrang pagkatay sa kwento, nawalan na ng kwenta.

Pero s'yempre papanoorin ng marami 'yon. Kaya 'yong movie, tatawaging successful. May napulot naman kaya ang mga nanood? 'Di na bale. Kinilig naman sila.

1 comment:

bans said...

haha. favorite ko kaya ang crazy beautiful. kinilig kase ako dun.

natawa ako sa vision mo of the filipino version.