self-denial.
mahirap i-deny sa sarili ang totoong sitwasyon ng buhay. 'yon ang sabi sa law of attraction. ginawang example ang mga utang. 'wag daw isipin ang utang. dahil lalong lulubog ang sarili sa utang.so kailangan magaling kang magpretend at mag-make-believe. ang pinakamahirap pa namang lokohin ay ang sarili.
parang 'yong isa kong kaibigan. for the past weeks, laging sinasabing okay sila ng gf n'ya; na nakapag-adjust na s'ya (medyo madamot magbigay ng atensyon ang gf) kaya masaya na sila. tapos kagabi nag-away sila. hindi raw s'ya mabigyan ng atensyon. akala ko ba nakapag-adjust na?
sinusunod din n'ya kaya ang law of attraction?
p.s.
peace lolo ^__^
Friday, March 14, 2008
Friday, March 7, 2008
Katayan
Kahapon napanood ko sa cable 'yong Crazy/Beautiful ni Kirsten Dunst. Maganda 'yong kwento. Akala ko no'ng una puro pa-cute lang 'yong pelikula. Well, it is cute, but it doesn't end there. Teen angst ang drama. At ang pangit pala umiyak ni Kirsten Dunst. Naalala ko 'yong role nya sa Interview with a Vampire. Ang cute na bata n'ya do'n. Cute pa rin s'ya do'n kahit may pangil at nagagalit. Pero ngayon, ang pangit na n'yang umiyak. Parang pinipilit tumulo 'yong luha. Daig na daig ni Juday.
Masyado mahigpit ang tatay n'ya sa movie. Pinapalayo lahat ng nagiging boyfriend n'ya. Pero as expected 'yong ka-loveteam n'ya hindi lalayo. Tapos magkakaroon ng awakening 'yong tatay n'ya. And they will live happily ever after.
Siguro kung dito 'yon ginawa, baka si Bea Alonzo ang paganapin sa role na Nicole Oakley. Tapos My Marvel Taheebo 'yong sponsor. Pero dahil gusto ng ABS CBN na kumita ang pelikula, kakatayin ang script. Hahabaan 'yong scene sa beach. Tapos lalagyan ng ka-love triangle si Bea at John Lloyd. Malamang mag location shoot pa sa Hong Kong kasi mayaman si Bea. Tapos magra-ride si Bea at John Lloyd ng cable car habang kumakanta si Yeng Constantino sa background. Sa sobrang dami ng mga moments ng dalawa, mawawalan na ng oras para sa kwento ng pelikula. At sa sobrang pagkatay sa kwento, nawalan na ng kwenta.
Pero s'yempre papanoorin ng marami 'yon. Kaya 'yong movie, tatawaging successful. May napulot naman kaya ang mga nanood? 'Di na bale. Kinilig naman sila.

Wednesday, March 5, 2008
si ruth.
Alas kwatro ng umaga.
Batid ko ang pagtunog ng alarm clock, ngunit gaya ng dati baliwala syempre. Sa sobrang pagod sa nagdaang araw at sa walang mapagsidlang antok dahil sa magdamag na pag-aaral, parang ang bawat laman na bumubuo sa aking katawan ay tumatangging gumising. Tila pati ang aking diwa ay sumisigaw ng lima pang minutong palugit mula sa magandang pagkakahiga.
Sabay bukas ng pinto, mga marahang yapak ang aking narinig at sa kamalas-malasan pa ay binuksan ang ilaw ng silid. Dama ko ang pagdaing ng aking mga puyat na mata sa silaw na dulot ng biglang pagliwanag.
“Bumangon ka na, baka mahuli ka sa klase mo. Lunes, matraffic.”
Tama, pamilyar ang boses. Sino ba naman ang hindi makakakilala ng tinig na yon sa aming tahanan. Ang boses na matiyagang nanggigising sa aming magkakapatid araw-araw, masusing tinitiyak na kami ay babangon at sisimulan ang paghahanda sa sarili para sa isa nanamang panibagong araw.
Sa puntong ito, alam ko, gising na ang aking pandinig.
Ngunit malupit talaga ang mundo. Sigurado namang bawa’t tao nakakaranas talaga ng katamaran paminsan. Ikaw ba naman, isang linggo kang nagkukumahog sa lahat ng mga gawain sa eskwela, pagkatapos, pagdadmutan ka pa ng pahinga kapag sabado at linggo. Mano ba namang huwag nang magbigay ng mga proyekto at riserts at kung ano ano pa na kumukuha ng lahat ng mga libreng panahon mo. Maksarili talaga ang pag-aaral ano? Kaya hindi naman siguro kalabisan ang matulog ulit. Bahala nang mahuli sa klase, kumpleto naman ang mga ipapasa ko eh, hindi naman siguro ako mapapagalitan nito.
Pero hindi, makulit talaga ang taong ito. Habang pa-amba pa lang ako na matutulog muli ay bigla nyang inalis ang kumot na nakubkob sa aking katawan. Ganun na lamang ang biglang paglamig ng pakiramdam. Nakakainis.
Ngunit sa isang sandali ay napawi ang pagkayamot nang marahang paghaplos niya sa aking mga pisngi. Ang kaniyang mga dampi, bagamat pilit na nangigising ay siya ring nagbibigay ng init na higit pa sa naibibigay ng pinakamakapal na kumot na makikita sa aparador ng aming tahanan. At sa ganun lamang, sa mga maiinit na haplos na iyon sa bawat araw ay nabubuhayan ang aking mga kalamnan.
Sa wakas, lumabas na ang taong makulit. Sa isip-isip ko, at least medyo makakatulog kahit man lang saglit. Nang nagsusubok akong muling kunin ang nawalang pagtulog, sabay pasok naman ng isang kaaya-ayang amoy na sadya namang nakaka-engganyong kumain. Sigurado akong galing yoon sa aming kusina na halos katabi lamang ng aking silid.
Sinangag na kanin, tinapa at piniritong itlog. Hindi ako maaring magkamali.
Sa tingin ko, hindi…sigurado ako na ito ay kagagawan nanaman ng parehong tao na kanina pa mapilit sa panggigising. Para ba kasing alam niyang hindi naming ito matatanggihan. Isa nanaman siguro sa kaniyang mga mapang-buyong taktika para ganap na kaming tumayo sa aming mga kama. Pero sa totoo lang, palagi, nais nya na bago kami aalis ng bahay ay busog ang aming mga tiyan. Ang mga lutuing ito, sampu ng lahat ng kaniyang mga masarap na handain sa araw-araw, ang siya namang gumigising sa aking pang-amoy at panlasa.
Sa wakas, nakaligo at nakapagbihis na rin. Parang wala talaga akong nagawa kahit na anong pilit kong pahabain pa ang aking pagpapahinga. Sa puntong ito hindi ko na talaga maitatanggi na panibagong araw nanaman ang haharap sa akin.
Kagaya ng iba pang umaga na late akong nagising ay mabilis akong nagbihis, inayos ang aking sarili at ang aking mga dadalhin. Walang kaabog-abog na binitbit ang bag, dali-daling lumabas ng kwarto at nagpaalam sa mga maiiwang kasambahay.
Paglabas ng pinto ay naroon nanaman siya, na sa panahong iyon ay nagsisimula nang magwalis-walis sa labas ng bahay namin. Masugid na tinitingnan ang paligid. Kagaya ng nakagawian na, magmamano at hahalik ng mabilis sa kanya. Syempre, kahit naman makulit siya at ubod ng dami ng bilin, hindi ko naman siya talaga matitiis. Minsan nakakainis, pero alam kong lahat ng gawa nya ay para sa amin.
“Huwag kang magpapagabi ha. Mag ingat ka.”
Halos eksakto lang ang pagdating ko sa sakayan. Sa totoo lang parang ako na lang ang iniintay dahil muntik na nga akong maiwan. Ako ang huling pasaherong nakasakay. Buti na lang talaga…
Sa kalagitnaan ng biyahe sinubok kong isipin kung nadala ko ba ang lahat ng dapat kong dalhin.
Notebook? check.
Project? check.
ID? check.
Wallet?
Wallet?!!
Anak nang! Sa lahat naman ng makakaligtaan ko ang pitaka ko pa! Napaka-makakalimutin ko talaga. At isa pa, kung maaga-aga lang kasi talaga ako nagising hindi ako magmamadali at hindi ako makakaiwan ng kahit ano.
Hay, malupit nga naman talaga ang mundo.
Syempre, hindi naman ako maaring mag 1, 2, 3 takbo sa jeep na sinasakyan ko. Hindi na uso ang ganoong istilo. Naisip ko na baka naman hindi ganoon kadamot ang tadhana kaya baka naman may mga naiwan pa akong barya sa bag ko. Kahit man lang pamasahe pauwi para balikan ang pitaka ko. Bali-wala din pala ang pagmamadali ko, late din ako.
Hala.
Pagbukas ng bag ko, parang isang milagrong tumambad sa aking mga mata na naroon ang wallet. Akalain mo nga naman.
Insip kong maigi kung nag-uulyanin na ba ako at hindi ko na maalala ang mga bagay na ginawa ko sa sandaling panahon pa lamang ang nakalipas. Pero hindi, sigurado akong hindi ko ito naipasok sa bag ko. Ngunit hindi na ko nagmuni-muni pa. basta’t ang importante narito sya, at siguradong aabot ako sa klase ng nasa oras.
Sa pagkuha ko ng pamasahe ay nagulat ako sa munting papel na nakasingit sa isa sa mga bulsa ng aking pitaka. Isang sulat, at malamang alam ko na kung kanino nanggaling. May mga ngiting nabuo sa aking labi, habang inaalala ko ang mga nakakatawang panahon na kung saan paulit-ulit syang nangungulit sa akin.
“Alam kong maiiwan mo to sa pagmamadali mo kaya pinasok ko na sa bag mo. Andyan na rin allowance mo. Ingat ka. Uwi ng maaga ha.”
Sabi na nga ba. Ang Mama talaga.
Sa puntong ito, alam ko, nagising na ang buong diwa ko.
***
para sa wala nang mas kukulit pa na si mama ruth, na may anak na ulyanin sa katauhan ko...dahil magaling na sya at gagaling pa.

Tuesday, March 4, 2008
Experiencing Candidacy
Hello!. hehehe thank you koya sa napaka gandang intro sakin.. hehehe.. post na ko agad huh.. hahaha!
First of all I would like thank my koya noel and ate gaea for letting me post my blog in their site. Actually First blog post ko ito, hehehe, pero sana magustohan nyo.
Okay, Okay lets start… The Title of my First Blog is Experiencing Candicacy. It’s about my Supreme Student Government Candidacy in my school.(no need to mention the name of the school). It was February 14, 2008 when the old Supreme Student Government (SSG) will be replaced by a new set of officers and on February 15, 2008 the campaign for this new set of officers has started. First of all there are 3 political party in my school and there are the: ALAB party, PIGLAS party and K.S.P. All of these parties are composed of different characteristics of running officers and uses a very unique style of campaigning. This Year the ALAB party didn’t join the campaign because of lack of running officers and has no party manager to manage the party. And the very reason of their withdrawal from the said event, because K.S.P and ALAB party are more likely allies and has the same principle. Also they have the same objective, and that is to bring down the PIGLAS party. (I’ll explain later why)
(February 15, 2008) It all started when I was going to school after my lunch break with my friends talking about “DOTA”, then suddenly I run into a very good friend of mine, who was very anxious to see me. At first, he was very happy that he run into me, because he has a very bad problem. Actually this friend of mine is the Party Manager of the K.S.P (Kilos Sebastino Party), and his big problem is that he need a person that will run for the position “Commissioner on Academics” in SSG. And boom! He told me that I’m the perfect guy for that position. I’m very flattered on what he said, but I told my friend I’m going to think about it. It’s a tough job and one more thing, I’m a 3rd year college student and when the new semester starts I’ll be in the 4th year, and I think that in that year I’m going to be busy, because on that year my thesis and practicum will start. As I went home, I told my mom about it, she gave me an advice, she told me that it’s about time management, and responsibility at sabi nya “Kaya mo naman yan, nakikita ko naman sayo na magagawa mo ng oras ang pagaaral, kaibigan at laro, at ngaun, you just need to prioritize kung alin nga ba ang dapat mauna”. With those words, I was encouraged. Hmmmm.. I spend 6-7 hours of thinking in what will be my decision, and during those hours I didn’t notice that I’m already making my speech, hahahaha! (di ko talaga namalayan). When I’ve realized that, I texted my friend and said yes to his proposal.
(Let’s skip the speech making and group training, mas importante yung ibang part, hehehe)
During the campaign period I was so curious about the Party Rivalries. That’s why I ask my friend about it. Also during the process of knowing my opponents, I found the answers.
Here it is, The current officers of the Supreme Student Government of my school, was all PIGLAS party members..
Yes!, PIGLAS won all the sleight last year’s election. The rage of the three parties started because last year’s SSG is not that really good. And that year, the SSG wasn’t felt by all the students of my school. In other words “walang kwenta”. From what I’ve experienced (which is true), “Ang Student Government namin wala talagang ginawa nung buong term nila, puro pa cute na lng sa office nila, and pwomiz walang kakwenta kwenta ang mga projects” and to compare from their successors, mas ok talaga yung dati kesa mga officers ngaun kasi mas nakilala ang school namin sa kanila.
Because of that, ALAB and KSP made an alliance, not only to bring down the PIGLAS party but also bring back the glory in SSG. Because of this “nabuksan sa aking isipan sa mga mali na dapat itama.” The very thing that our group wants to point out, it that choosing the best leader to lead us is not just anyone you just saw. At least that person should posses not only the charm but also the intelligence and should also possess leadership quality. Just like our Party Manager have said during our “Meeting de Advanse” “Magtimbangan tayo tingnan natin kung sinu mas mabigat”. The PIGLAS party is the reigning leading party when it comes to SSG, it started 50 years and yet they still win. They choose officers that don’t have the things we’ve pointed out, PIGLAS uses, charm and physical appearance to select their officer. I’ve said this because, I’ve been loyal to my school since I was kinder, Yes, loyal ako sa school, nagaral na ko sa school na iyon kinder pa haggang ngaun, that’s why I know the people that PIGLAS chooses as a officer. I saw the selected officers ng PIGLAS na nung High School pa lang prohibition na. That’s why I know what’s gonna happen when they will win the election. One more thing during our Room to Room Campaign, they used memorized speech, and those speech are already used by officers na tumakbo pa nung 50 years na iyon. Yup, passed by generation ika nga. Grabe noh? And during the meeting the advance, kung anu na rehearse nung Room to Room, yun din ang pinakita nila. Huwaw talaga!.
Enough na sa Piglas, let’s talk about my Party. KSP or Kilos Sebastino Party, its just a newly started party, hmmm. It was founded last year lang. and the founder was one of the Greatest SSG President. That’s why all the officers chosen by this party has that quality. And has the potential to lead. I’ve been to the group’s training, and what I saw was a group of people that has the intellect and courage to win. That’s why todo ayos ako. I don’t want to be left out. Our Speech is made from the heart,(not memorized, hehehehe) and has the platforms needed for the for students. Our platforms is not for personal goal but it is for the privilege of the all the students of my school. During the meeting de advanse, we’ve proved that we have the qualities for being a leader, and during the debates of the running officers, we showed them that, running for that position is not just for fun and fame. It’s real hard work.
After the long campaign period, Election na.. and it’s the biggest scare of a candidate, because it’s the judgement day wether they’ve liked you or not. We stayed in school until the counting of ballots finish, we’ve waited for the result………..
But Sadly, as our Party Manager went to us to bring the bad news. We already know the result of the election, and its 21-0. Yes, PIGLAS got all the positions.. huhuhuhu!. Ni isa walang nanalo samin.
We went to the room where the counting of ballots where held, to see yung “lamang ng kalaban namin” and yun 50+ bawat candidates. Some of us just needed 3 and 13 votes to win. Very Frustrating talaga. Hayyyy.. And the president of the Electoral Board, approached us.. and pinakita yung tally.
We saw that we lost, because of the First Year Students. Yup, dahil sa mga first year, but yung years 2nd – 4th pure KSP. Yup, which only proved na sa higher years panalo kami, and minsan lang mangyari yun, because being in the higher year you know what really is happening around the school, what I mean is pinagkatiwalaan kami ng mga higher years. Because when you say First year(correct me if I’m wrong) di ba wala pa sila ganun kaalam sa politics. Pero saying parin. PIGLAS got the first year because of their charm and physical appearance, kaw naman ba guwapo at sexy yung mga lumapit sayo e, tatanggi ka? In the case of the first years, I think yes,. And also we have proofs kung bakit. Pero ganun parin LOST is a LOST. Hehehe..
For me, I really didn’t aim to win, Sanay naman na ako, kasi lagi naman ako talo, hehehehe, I just wanted to have the experience in being a candicate. Pinakita ko lang ang dapat. Just like what Rizal did to our country, to expose the wrong doings of the Spaniards during their time. And even though Rizal died, his works and achievement remains in the heart of every Filipino. Yup, now we’ve started our action, I hope it will continue. And I have one thing to say. “The Fight just already started” and for the winners of the election, GOOD LUCK!, now you’ve heard what the students is trying to tell you, sana you make action na. There is still time. “Make a change, minimize your greed” hehehe..
And for may Party, Thank you so much! I really learned a lot from them, and I hope its not yet over, “minsan lng sila pinagpawisan hehehe,” keep fighting. And I guarantee my support sa inyo, khit na 4th na ako. Hehehe go KSP!.
(our battlecry)
“Kung walang Kikilos, Sinong kikilos!
Kung walang Gagalaw, Sinong Gagalaw!
Kung Hinde Ngaun, Kelan Pa!
KILOS SEBASTINO PARTY!
Ang partidong kikilos at gagalaw para sa inyo
Hehehe.. Well yun na po.. I hope you really like my first blog post. And sana basahin nyo din mga ipopost ko pa.. hmmmm.. marami pa.. isa na dun about sa love life.. yup.. dami ko mashashare sa inyo.. pwomiz.. Till next time.. SALAMAT GUYS.. hehehe
new team member
I invited another ex-Ran Online gamer. Michael Jinero Salazar. 4th year computer student sa CSS-R. Malalim na tao. I've yet to edit the layout to put his link.
Welcome Micoy!
Welcome Micoy!
Friday, February 29, 2008
friday sickness
hmm.. aba at ang ina ng ran ay npka busy pla tao... hala! busy pla sa pag tatahi ng mga pasyente nya..hehehe... uy! lapit na board exam....
niweiz.. hahayz naku goodluck nmn sa pag sasagot when time comes ^^>..
at kamusta nmn sa isang tao dyn na npka late gumising hehehe...pati ung pag tilaok ng manok na mimiss mo tuloy nyahaha!!
eka nga po pla... anu nga ba yang pinag kakaablhan ng isang tao dyn? at mukhang na ho=hook xa dyn?
ma tingnan nga muna at para mka relate nmn ako dyn hehehe.... knock! knock! mr. writer paki invite nmn ung mga nka confee mo the other day about sa blog natin para nmn dumami kausap natin hehehe...
xa, ka aaga natin magpost eh kumain na ba kayo, kain na muna at nang may pumasok sa isip...
mahirap mag isip ng gutom... BRB po....

friday madness
Wow mama bans hahaha welcome! Natuwa naman ako when Aryz told me na nagconfirm ka na. Anyway, I was on a YM confee (initiated by mean) two nights ago with merick, juan, jong at s'yempre si mean. Wacky as usual. We were kinda waiting for you to go online but we knew better. Super busy ang ina ng Ran hahaha. Busy pala sila playing Angels something. Bagong 2d game. Parang Ragnarok daw.
At bakit kay aga n'yo namang magsi-post hahaha. My mind's not working yet. Abala ako sa kaka-motivate sa utak ko dahil sa pinapanood sa akin ni Martin na "The Secret". I-Google n'yo. Law of Attraction talaga. It's up to you kung maniniwala kayo pero ako gusto kong maniwala. Gusto ko ngang i-convert sa mp3 para mapapakinggan ko s'ya lagi. And I am that serious about it hahaha.

Makulay ang Buhay? Sa Sinabawang Gulay...^_^
ehehehe... naku medyo madaldal nga po ako hehehe... medyo magulo dito kahit minsan ala sense sinasabi.... ^_^
Niweiz, Tama lang na dapat lagi ka naka ngiti pag gising mo sa umaga.. Sabi nga nila, "Start the day right, Doing right"... aw! nosebleed.. paki translate na lang po sa tagalog hehehe....
Basta wag kakalimutan ngumiti... ika nga ni noel, Smile.... yan ang ating Golden Rule...

sa wakas
ayan, matapos ng napakaraming bagay na dapat ayusin, andito na ako. handang mag ingay sa mumunting mundong ito.
ayos.
tama, si aryz (ang tatang) at si noel (ang aking partner in crime) ay mga matatalik kong kaibigan. kaya ikinagagalak kong makibahagi sa webspace na ito kasama sila. mga kuro kuro, saloobin, at kung ano ano lang na maisipan namin.
halina at maaliw.
pasensya na kung kailangan pang may makalampas na 6 na panulat ni noel (ang master writer sa aming tatlo) bago ako makapagpakilala ng aking sarili. kase, alam nyo naman ang buhay, maraming nagaganap. minsan, nakakapagod. pero ngayon, asahan ninyong mas magiging aktibo ako dito.
'nga pala, ako si bans. tama ang sabi ni noel. kolehiyala (parang napaka kagalang galang naman ata noon, hindi sakin bagay), simpleng mamayan, mahilig sumulat, at mahilig sa makulay (huh?).
ipagpaumanhin ninyo kung wala masyadong katuturan ang panimula kong ito. siguro din kase mas sanay akong mag "blog" sa ingles kaysa sa tagalog. ngunit masasanay din.
basta. ako ito.
hanggang sa muli. nawa'y maging masaya ang ating pagsasama.
Thursday, February 28, 2008
Law of Attraction
Totoo yan, minsan talaga 'pag tumingin ka sa salamin matatawa ka. Pero dapat sa umaga pagkagising mo, smile ka muna bago ka humarap sa salamin, tapos isipin mo na ang pogi-pogi mo, para pagkakita mo sa repleksiyon mo pogi ang makikita mo. That's how we should start the day. Para feel-good tayo lagi.
And have you heard of the Law of Attraction? Dapat positive thinking, kasi what you think is what you attract into your life. Kaya nga mula no'ng marinig ko 'yan positive ako lagi. Ang iniisip ko maraming maraming pera. Para ma-attract ko ang mga pera sa mundo hahaha. May tanong lang ako, effective din kaya 'yong Law of Attraction (talagang gawing proper noun, e) kung nakahiga ka lang maghapon? Sana. Ang sarap kasi mahiga.

Subscribe to:
Posts (Atom)